HUNTER’S POV Nagdesisyon akong silipin ang kapatid ni Nathalie na hanggang ngayon ay comatose pa rin, upang mag-alis ng sama ng loob. Galit talaga ang umiiral sa puso ko ngayon, kaya hindi nila ako masisisi kung ayoko silang pakinggan. “Gabriel, ikaw ang pag-asa namin ni Nathalie, para malaman namin kung sino talaga ang kaaway ng pamilya del Prado,” sabi ko sa aking bayaw kahit alam kong para akong nakikipag-usap sa hangin. Napailing ako dahil para akong tanga na nagsasalita na mag-isa. Habang kinakausap ko si Gabriel ay may biglang pumasok dito sa room ni Gabriel na walang iba kung 'di ang aking asawa na si Nathalie. “Sabi ko na nga ba dito ka pupunta,” sabi ni Nathalie nang tuluyan siyang makalapit sa akin. “Babe, please! I don't want to hear anything,” pakiusap ko sa aking asawa na kanyang tinanguan. Hinawakan ni Nathalie ang kamay ng kuya at hinalikan niya ito sa noo. “Kuya Gab, please wake up! I miss you so much,” wika ni Nathalie sa kapatid niyang mahimbin
Terakhir Diperbarui : 2025-06-21 Baca selengkapnya