NATHALIE'S POV “Sir, narito po si Miss Tiffany nagpupumilit na pumunta diyan,” sabi ng security guard nang sagutin ni Hunter ang intercom. “Kuya, please ban her here. And if she still insists, call the police! If you can't do that, I’ll replace all of you! Huwag n'yong hintayin na bumaba pa ako riyan! Kung hindi, tanggal lahat kayo sa trabaho!” galit na utos ni Hunter. “Sige po, sir,” nanginginig na wika ng security guard at pinutol na nito ang kanyang linya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang bumalik dito ng Tiffany na ‘yon. Pagkatapos siyang ipa-blotter ni Tristan the last time na pumunta siya rito. Mukang ang Tiffany na ‘yon ang magiging mortal kong karibal kay Hunter. Pagkatapos ni Hunter ay muli niyang hinawakan ang aking kamay. “I'm sorry kung may babaeng gustong manggulo sa atin ngayon.” wika ni Hunter sa baritono niyang boses. “Okay lang, hindi naman totoo ang relasyon natin ‘di ba?” mga salitang lumabas sa labi ko na tinanguan ni Hunter. “Kahit pa,
Huling Na-update : 2025-05-12 Magbasa pa