NATHALIE'S POV “Talaga, Nathalie? I'm so happy for you. Finally, nagkita ulet kayo, and imagine sinagip ka niya sa maruming trabaho,” mga salitang binitiwan ni Trixie mula sa kabilang linya na ikinatahimik ko. Nawala ang saya ko nang maalala ko na ako lang ang nakakaalala sa nakaraan namin. “Oh, Nathalie, natahimik ka ata,” muling sabi ni Trixie nang hindi ako magsalita. “Kasi, Trixie, hindi niya ako ki_” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang kumatok sa labas ng pintuan. “Oh, sige na, Trixie, ipapaliwanag ko na lang sa ‘yo, kapag nagkita tayo,” pagpapaalam ko sa aking kaibigan at pinutol ko na ang aking linya. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan upang pagbuksan si Hunter, dahil wala naman ibang kakatok rito kung 'di ang lalaking ‘yon. Hindi agad ako nakapagsalita salita nang lumantad sa harapan ko ang isang bagong ligong lalaki. At ang amoy niya'y tila nang-aakit. Napalunok ako nang mapansin ko na sando at short lang ang suot niya, dahilan upang lum
Terakhir Diperbarui : 2025-05-05 Baca selengkapnya