HUNTER’S POV “Hunter, natatakot ako,” ani ni Nathalie pagkatapos sabihin ni David ang kondisyon na hinihingi sa akin. “Huwag kang matakot, Nathalie, walang mangyayaring masama,” sabi ko kay Nathalie. “Pero, hindi natin alam kung sino ang may pakana nang lahat ng ito!” Sabay dampot niya sa magazines. Tinitigan ko si Nathalie. “Kaya nga aalamin natin, para mabigyan siya ng leksyon. Dahil nagkamali siya ng taong sisirain,” seryosong wika ko. Nang malaman ko na ulilang lubos na si Thalie ay sinumpa ko sa sarili ko na hindi ako titigil na hanapin siya, para alagaan at tulungan siya. Kaya ngayon na alam kong nakita ko na pala siya, ay gagawin ko ang lahat upang ipagtanggol siya sa mga taong pilit siyang sinisira. “Sir Hunter, nasabi ko na po sa Vogue Asia. Mag-set lang daw po kayo ng date kung kailan p’wedeng kausapin,” wika ni David na mabilis kong nginitian. Hindi magiging mahirap sa akin na kilalanin ang mga taong dapat managot. “O_” hindi ko na naituloy ang sasabih
Terakhir Diperbarui : 2025-05-23 Baca selengkapnya