HUNTER'S POV FLASHBACK “Thalie, bakit ba ang tagal mo maglakad diyan?!” reklamo ko kay Thalie na may kasamang inis. “Pasensya ka na, Hunter, nasira kasi ‘tong sapatos ko,” paliwanag ni Thalie sa akin na ikinalungkot ko. Simula nang ipakilala sa akin ni Sir Edmond si Thalie ay naging mag-bestfriend na kaming dalawa. Siya lang ang naging kaibigan ko rito sa Montessori School at ang kapatid niya na si Gabriel. “Kawawa ka naman. Baka masugatan ang mga paa mo niyan,” sabi ko kay Thalie at pagkatapos ay tumupo ako sa harapan niya. “Oh, anong ginagawa mo diyan?” tanong sa akin ni Thalie. “Eh, ‘di ano pa? Eh, 'di babahin kita,” wika ko na tinawanan lang niya. Gusto kong mainis kay Thalie, pero hindi ko magawa dahil nagkakaroon na ako ng crush sa kanya. Sa araw-araw na palagi kaming magkasama ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya, pero alam kong napakabata ko pa para manligaw. Kaya hihintayin ko na lang ang tamang panahon para ligawan siya. “Hunter, sigurado ka ba nababa
Terakhir Diperbarui : 2025-05-20 Baca selengkapnya