Nanlalaki ang mga mata nila dahil mukhang may plano ang mga lalaking 'yun sa kanya. "Lance, mag-iingat ka, papalapit na ang kalaban mo sa likuran ninyo!" agad na alarma ni Lucien sa kanya sa channel. "Kung magigitnaan ka ng dalawang sasakyan sa harapan at sa likod mo ay magiging delikado ka sa paikot na daan." Kung mangyayari man ang bagay na 'yun ay wala na siyang makikita sa harapan. Kailangan n'yang bilisan makalabas sa guardrail ang sasakyan n'ya. Agad namang naintindihan ni Lance ang katotohanan, at pinilit na lumabas ngayon. Kaya mabilis n'yang pinatakbo ang sasakyan n'ya. Pero binabangga na sila ngayon sa likuran nila. Namamawis na ang mga kamay ni Lance dahil sa nangyayari. Nakikita n'ya ang tatlong sasakyan sa likuran n'ya. Isang iglap isang batang boses ang nagsalita sa gilid n'ya. "Tamaan mo sila." Natigilan naman si Lance sa sinabi nito, "Ano?!" Akala n'ya mali ang narinig n'ya na mula mismo sa batang nasa gilid n'ya na nagsabi nun. "Tamaan mo sila o ikaw ang ta
Last Updated : 2025-05-11 Read more