"Uhmmmmm..." Napaungol ako nang may tumama na napakaliwanag sa aking mga mata. Dahan dahan ko itong iminulat at agad akong nilukob ng kuryosidad nang mamataan ang isang nakangiting ginang na may suot na puting uniporme. "Call Madam Estella now, she's awake." Nakangiting turan nito na hindi ko alam kung para kanino. Teka... Sino siya? At nasaan ako? Hanggang sa bigla na lamang pumasok ang mga katanungang ito sa aking isipan habang dahan dahan kong inilibot ang aking mga mata sa bawat sulok ng napakaganda at napakalawak na kwartong ito na may puting pintura. Sunod kong namataan ang isang babae na nakasuot ng unipormeng pangkatulong na may hawak na aparatu sa kanyang kamay. At sa hitsura nito, palagay ko ay matanda ito sa akin ng ilang taon. "Maraming salamat doktora. Tatawagan ko na po si Madam Estella." Tugon nito saka ito lumabas ng pintuan kaya napagtanto ko na ito pala ang kausap ng ginang kanina na isa palang doktora. Teka, doktora!? Nasa isang ospital ba ako? Napak
Terakhir Diperbarui : 2025-05-21 Baca selengkapnya