Tulala akong nakahiga sa kama habang ito'y nagpaalam pa na maliligo na muna. "You can sleep, I'll just take a shower." Anito sa napakalalaking boses pa kaya marahan akong tumango at hindi na lamang nagsalita pa. At nang maiwanang mag isa ay binalot ko ang sarili sa makapal na kumot. Tila ba gusto kong tumili dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit parang humahanga pa ako sa walang hiyang lalaki na 'to! Paano ba naman, ngayong nakasama ko na siya ay parang ibang iba ang lalaki sa naging kwento ni Mama Estella. Na manggagamit siya, mapang abuso at walang puso. Pero bakit ngayon parang napakagentleman nito sa 'kin? Ni hindi nga nito tinuloy ang pakikipagsex sa 'kin dahil nakikita niyang nasasaktan ako! "Shit shit! No Emeryn, huwag kang magpabilog sa Dreymon na yon dahil paniguradong magaling lang talaga iyon mambola ng babae. At hello! Sigurado namang sa una lang na ganoon siya makitungo sa lahat ng mga babaeng nakilala niya, kaya nga napakaraming nabaliw sa kanya hindi ba? Kas
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya