"Ma, kumalma po muna kayo." Mahinahon at nagsusumamong pakiusap ng hampaslupa sa ina nitong muntikan ng nagwala. "Pasensiya na. Bakit mo pa kasi tinatanong ang bagay na alam mo na naman ang sagot. Wala ka bang tiwala sa akin anak? Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko sayo?" Ngayon ay emosyonal ang tinig ng ginang. "Mama, hindi naman po sa ganun. Huwag niyo po sanang mamasamain pero may natuklasan din po kasi ako nung nanatili ako sa mansyon ng mga Velmonte." Pahayag ng hampaslupa kaya natakpan ko ang aking bibig dahil baka makagawa ito ng ingay. "Alam niyo po bang buntis si Ate Isabela?" At ang pahayag niyang ito ay ang bumalot lalo sa akin sa labis na kuryosidad. "Ma, may isang kasambahay po sa mansyon ang nakaalam ng nangyari na siyang mismong nagkwento sa akin. Buntis daw po si Ate Isabela. Pinapaako iyon kay Dreymon pero nanindigan ang lalaki na hindi siya ang ama. At nung nagrequest daw po sila ng DNA test para malaman ang totoo ay nabalitaan na lamang nilang wala
최신 업데이트 : 2025-06-30 더 보기