At dahil nga hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ni Dreymon na tumanggi ay wala na akong nagawa nang isama ako nito sa paglilibot. Una naming pinasyalan ang napakalaking taniman nila ng samot saring prutas, kumbaga may plantasyon ng mangga, langka, papaya at iba pang mga prutas na pang export. Kaya nalaman ko rin na hindi lang pala sa maraming negosyo mayaman ang pamilya Velmonte kundi maging sa napakalawak at ekta ektaryang lupain din. At isa ang plantasyon nila sa source ng mga exported products. Just wow! Mangha kong inilibot ang aking mga mata. Somehow ay nakakatulong ang pagsama ko sa kanya dahil nababaling ang atensyon at isipan ko. "Señorito!" Nakangiting bati sa amin ng isa sa mga trabahador ng hacienda. Halos tumakbo na nga ito sa paghakbang para salubungin kami. Halos lahat naman ng mga trabahador dito ay magiliw at puno ng paggalang na bumati sa ami ni Dreymon. "Manong Kulas! Kumusta po?" Abot tainga ang naging ngiti ni Dreymon saka niyakap ang may eda
Terakhir Diperbarui : 2025-06-30 Baca selengkapnya