SAMUEL "Interesado ka ba talaga kay Valerie? Iyong crew? Bakit? Porke maganda siya? Ang dami-daming babae diyan, Samuel! Huwag ka naman sa ganoon!" saad ni Shaun. Matalim niyang tiningnan ang kaibigan niya. "Gagó ka talaga. Parang ayoko ng maging kaibigan ka." Napalunok ng laway si Shaun. "Ha? Bakit naman? Ano ba ang ginawa ko sa iyo?" "Wala pero masyado kang mayabang. Si mommy, hindi kami tinuruan ng ganiyan. Kahit na napakayaman ni mommy, ni minsan hindi ko siya narinig na nagyabang. Kaya kaming dalawa ng kapatid kong si Hector, hindi kami nagyayabang eh.. Ba't ikaw, ang yabang mo?" inis na tanong niya kay Shaun. Napayuko si Shaun at tila napahiya. Kahit si Samuel, naa-amaze sa kayamanan ng mommy Samarah niya. Pero hindi talaga nagyayabang ang mommy niya. Ganoon din ang daddy Hendrix niya. Kaya bilib siya sa mga magulang niya. Mahilig pang tumulong sa kapwa. "Pasensya na, Samuel. Nahahawa kasi ako sa mga magulang ko. Alam mo na, anak nila ako," nakayukong sabi ni Shaun.
Last Updated : 2025-07-21 Read more