SAMUEL NAKANGITING PINAGMAMASDAN NI Samuel ang picture ni Valerie sa kanyang table. Talagang pina-frame niya pa ang picture ng dalaga palagi niya itong makikita. Para gaganahan siya palagi sa trabaho. "Hello, anak ko! Kumusta ka naman?" wika ng mommy Samarah niya nang dalawin siya nito sa opisina. "Hi, mommy!" tugon niya sa ina bago tinanggap ang mainit nitong yakap. "Ayos lang po ako, mommy. Kayo po?" magalang niyang sabi sa ina. Ngumiti si Samarah. "Ito syempre, ayos na ayos din at super pretty pa rin ang mommy mo! Siya nga pala, ang sabi sa akin ni daddy mo, nagiging good boy ka na ulit. Sana magtuloy na iyan. Teka, sino iyan?" Kinuha ng mommy Samarah niya ang picture ni Valerie at saka tinitigan iyon. Nakalolokong ngumiti ang kanyang ina. "Siya ba ang sinasabi ng kapatid mong si Hector na nililigawan mo?" Ngumiti si Samuel at saka tumango. Nabanggit niya kasi sa kanyang kapatid na mayroon siyang nililigawan at si Samarah iyon. Nananatili pa rin kasing single ang
Terakhir Diperbarui : 2025-08-05 Baca selengkapnya