SAMARAH Isang buwan pa ang lumipas, bago pa tuluyang lumaki ang tiyan ni Samarah, ikinasal na silang dalawa ni Hendrix. Natupad ang hiling niyang mala-secret wedding. Sobrang saya ni Samarah dahil sa wakas, mag-asawa na silang dalawa ni Hendrix. Pakiramdam niya, buo na siya. "Mahal ko, magpahinga ka na muna. Kanina ka pa aral nang aral diyan," wika ni Hendrix sabay yakap sa kanya. Sa susunod na linggo, mag-aaral na si Samarah. Pero hindi sa mismong eskuwelahan. Sa bahay lang siya dahil buntis siya. Nag-hire si Hendrix ng private teacher niya. Hindi na niya kailangan pang umalis ng bahay para makapag-aral. Ang isang bakanteng kuwarto sa bahay ni Hendrix ay pinaayos na niya. Iyon ang magiging mini school room niya sa bahay. "Sige na nga. Tutal, gabi na at bawal sa akin ang magpuyat palagi," wika niya bago itinabi ang binabasa niyang libro. Sobrang saya ni Samarah dahil makakapag-aral siyang muli. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanyang buhay. Parang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya