NAPA kuyom ng mahigpit ang mga palad niya. “Kaya mo lang naman ginagawa ang lahat ng ito dahil sa pagkawala ng anak mo hindi ba? Bakit hindi na lang tayo gumawa ng isa pa para tumigil ka na sa kagaganyan mo?” tanong nya rito at pagkatapos ay ibinaba na muna ang hawak niya sa mesa bago tuluyang humakbang pasulong, palapit kay Estelle.Sigurado siya na kaya lang nito ginagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa pagkawala ng anak nito kaya sigurado na kapag nagkaroon na ito ng anak ay babalik na sa normal ang lahat at babalik na rin ito sa dating ugali nito.Nang makita ni Estelle na may balak si Henry na lapitan sya at pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito ay agad niyang nakuha kung ano na naman ang binabalak nito. Mabilis siyang humakbang upang salubungin ito at pagkatapos ay agad niya itong itinulak pababa ng hagdan, hindi siya papayag na muli siyang mahawakan nito. Gumulong ito kaagad pababa ng hagdan. Mabuti na lang at nasa pang ilang hakbang pa lang ito ng hagdan kaya hindi pa ga
Last Updated : 2025-08-27 Read more