HINDI na muling nakapagtanong pa ang reporter dahil dumating na si Liam kasama ang ilang pulis at pina-escortan si Henry para makaalis na sa gitna ng mga nagkakagulong reporter.Dahil sa pag-alis naman ni Henry ay mabilis na nagsilipatan kay Gwen ang atensyon ng mga ito. Halos hindi na alam ni Gwen ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon dahil ito ang unang beses na hinayaan lang siya ni Henry at iniwang mag-isa.Halos ma-estatwa siya sa kanyang kinatatayuan habang nakasunod ng tingin sa papalayong si Henry at hindi man lang siya nito nagawang lingunin. Nanginig ang kanyang katawan. Tiningnan niya ang mga reporter na nakapaligid sa kaniya. “Mali ang iniisip ninyong lahat, kung talagang may relasyon kami, bakit niya ako nagawang iwan dito mag-isa? At isa pa, nagkatampuhan lang sila ng kanyang asawa kaya imposibleng maghiwalay sila.” sabi niya sa mga ito.Dahil sa sinabi niya, mabilis na nagsitalikuran ang mga ito at nagsi alis na. Bago siya umalis doon ay siniguro niya muna na tuluyan
最終更新日 : 2025-08-07 続きを読む