WALANG kaiingat-ingat ang ugali nitong ipinakita. Idagdag pa na hindi siya pumunta doon para sa sarili niyang pangalan kundi nagpunta siya doon kasama si Henry at bilang asawa nito kaya sa madaling salita ay hindi lang sampal sa mukha niya ang sinabi nito kundi sampal din sa mukha ni Henry ng buong Montero Group.Kung talagang duwag siyang babae ay baka kanina pa siya nagtago sa likod ni Henry ngunit hindi. Hindi siya ang dapat matakot. Nang mga oras na iyon, halos ang ilang mga mata na nakapaligid sa kaniya ay nakatingin, naghihintay ng kung ano ang isasagot niya rito.Hindi nag-react si Estelle at ni hindi binago ang kanyang ekspresyon. Sa halip ay ngumiti siya rito ng bahagya at pagkatapos ay kinuha ang business card na ibinigay nito sa kaniya at sinulyapan. Binasa niya ang nakasulat dito. “Okay. simula ngayong araw na ito ay matatapos na ang pakikipag-ugnayan ng kumpanya mo sa Montero Group.” malamig na sabi niya rito.“Pagkatapos na pagkatapos ng kasalukuyang kontrata sa pagitan
Terakhir Diperbarui : 2025-08-19 Baca selengkapnya