BUMUNGAD sa mga mata ni Henry ang mga napaka-lalaking mga pasa sa katawan ni Gwen. ang ilang parte naman ay halata ang mga pinagtusukan ng mga karayom. Nang makita niya ang mga ito ay halos magtagis ang mga bagang niya.“Paanong nangyari sayo ito Gwen anak? Sino ang may gawa nito sayo?” tanong ng kanyang ina at pagkatapos ay napatakip pa sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat ngunit syempre ay alam niyang umaarte lang ito dahil nasa harap nito si Henry. Akala mo ay concern talaga sa kaniya pero ang totoo, kahit na mamatay siya ay wala itong pakialam. Humarap ito kay Henry. “Hahayaan mo na lang bang danasin ito ng anak ko? Tingnan mo ang katawan niya, napakapayat Henry. Akala ko ba ay ginagamot siya rito pero parang baliktad naman yata.”Nagsimula itong umiyak at humagulgol at pagkatapos ay niyakap si Gwen. nanigas naman si Gwen nang yakapin siya ng kanyang ina. Napakagaling talaga nitong umarte kahit kailan. Alam niya kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon dahil gusto nitong maging
Huling Na-update : 2025-08-21 Magbasa pa