Share

Chapter 27

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-05-25 14:27:08

SANDALING natigilan si Estelle nang marinig niya ang sinabi ni Dylan sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Tama ba ang narinig niya? Magtrabaho sa kumpanya nito?

“Anong sabi mo? Gusto mo na magtrabaho ako sa kumpanya mo? Pero hindi pa ako nakakapagtrabaho at—”

“E ano naman? Alam kong grumaduate ka na matataas ng grado.” sagot nito kaagad sa kaniya nang may ngiti sa mga labi. “Kung hindi ka lang siguro nagpakasal kay Henry ay baka naging successful ka.” dagdag pa nitong sabi at alam ni Estelle na sinasadya siya nitong purihin para pumayag siya.

Ilang sandali siyang hindi sumagot at nag-isip hanggang sa napabuntong-hininga na lang siya. “Noong kaga-graduate ko lang ng college ay aksidente kong nailigtas ang lolo ni Henry at bilang pagtanaw ng utang na loob ay sinabi nito na ipakakasal niya nga ako kay Henry at napakabilis ng pangyayari.”

Nang makita niya si Henry sa unang pagkakataon ay talaga namang agad na tumibok ang puso niya para rito kaya halos hindi na rin siya tu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
magcc kdin Henry
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 37

    SA sobrang galit ni Estelle dahil sa mga sinasabi ni HEnry ay kinuha niya ang isang baso na nasa mesa at malakas na ibinato ito sa sahig at gumawa ng napakalakas ng tunog. Ang bawat piraso ng nabasag na baso ay nagkalat sa sahig.Gulat na gulat naman si Henry dahil sa inasal ni Estelle. Ang kilala niya kasing Estelle ay napaka kalmado at parang robot na sumusunod lang sa lahat ng sinasabi niya. Ngunit ang kaharap niya ng mga oras na iyon ay parang ibang tao na. Ilang sandali pa ay tumingin ito sa kaniya na puno ng poot ang mga mata. “Nababaliw ka na talaga!” halos manginig ito sa labis na galit.Ngunit nanatili siya mula sa kanyang kinatatayuan at tumingin dito. “Hihintayin kita sa kumpanya mamaya.” sabi niya na para bang kausap niya lang ang kanyang sarili at pagkatapos ay mabilis na tumalikod upang umalis.Alam niyang darating ito dahil alam niya na hanggang sa mga oras na iyon ay gusto pa rin siya nito at hindi nito kayang mabuhay kung wala siya. Kaya nga nito ginagawa ang mga bag

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 36

    NANLAKI ang mga mata ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ni HEnry. “t*ang in*!” hindi na napigilan pa ni Estelle ang mapamura ng wala sa oras. Hindi niya talaga lubos inaasahan na may katulad ni Henry na nabubuhay sa mundo. Napakawalang hiya nito kahit kailan!Kung noon ay pilit niyang pinipigilan ang kanyang galit ngayon ay hindi na niya kaya pang gawin iyon. Itinaas niya ang kanyang kamay at pagkatapos ay malakas na sinampal si HEnry. Pagkatapos niya lang itong sinampal ay hinawakan niya naman kaagad ang kwelyon nito at ginamit ang lahat ng lakas niya para ibaling ang mukha nito sa larawan ni Mia na nasa ibabaw ng drawer.“Tingnan mo nga si Mia! Hindi ka ba nahihiya na sabihin ang bagay na yan sa kaniya huh?!” galit na galit na sigaw niya rito.Hindi naman inaasahan ni Henry na ang babaeng mukhang napahina noon ay may itinatago pa lang ganung klaseng lakas. Tiningnan niya ang nakangiting mukha ni Mia na nasa larawan at pagkatapos ay ibinuka niya ang kanyang bibig, hindi niya ini

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 35

    SA buong pamilya niya ay wala ni isa ang dapat niyang pagkatiwalaan dahil maging si Henry ay parang hindi niya rin dapat pagkatiwalaan sa inaasta nito. Wala siyang ibang dapat pagkatiwalaan kundi tanging ang sarili niya lamang. “May alam akong paraan para tuluyan nang mawala ang issue online kaya huwag ka ng mag-alala pa.” sabi niya rito. Alam niya na hindi na niya dapat pang patagalin ang kumakalat na issue ngayon sa internet dahil sobrang maaapektuhan ang pangalan at reputasyon ni Henry.“Sa tingin mo ba ay may taong sinadya na pakalatin ang issue na katulad nito?” tanong sa kaniya ni Jenna pagkalipas ng ilang sandali. Sa wakas kahit papano ay pinagana na nito ang utak. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.“Sino pa sana ang mangangahas na gawin ito kundi si Estelle lang?” may bahid ng inis na bulala niya.Hindi niya akalain na aabot sa ganun ang mga pakulo nito at sinadya nitong papuntahin sila ni Henry sa mataong lugar para lang mapahiya silang pareho, mas lalo n

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 34

    TULOY-tuloy siya sa kanyang paglabas at doon niya nakita si Dylan na nakatayo malapit sa may pinto. Hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na hiya. “Bakit ka nandito?” mahina niyang tanong dito.Tumingin ito sa kanyang mga mata. “Sa totoo lang ay pumunta ako rito para protektahan ka sana ngunit mukhang hindi na kailangan.” sabi nito sa kaniya. “Well, bakit hindi na lang tayo kumain ngayon ng sabay?” biglang sabi pa nitong muli sa kaniya.Hindi na lang niya tuloy alam kung matatawa ba siya o ano. Pero sa halip ay amused siyang ngumiti rito at mabilis na sumagot na hindi man lang lumilingon sa loob ng cafe. Tumango siya rito. “Pwede naman, tara!”Mabilis siyang naglakad patungo sa nakaparada nitong kotse sa harap ng cafe kung saan ay pinagbuksan naman siya nito kaagad at kahit na sino siguro ang makakakita sa kanila ay iisipin na mag-asawa silang dalawa ni Dylan.~~~~“Aray… ang hapdi…” ungol ni Gwen dahil kumikirot ang kamay niya.Mabilis naman na

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 33

    PUMUNTA si Gwen sa bahay ni Estelle. Kumatok siya sa pinto at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ngunit sumilip lang ito sa kaniya. “Hindi ka welcome rito kaya umalis ka na.” kaagad na sabi nito kahit na wala pa siyang sinasabi dahilan para hindi niya maiwasang hindi mainis ng wala sa oras.Agad na nanlamig ang kanyang mga mata na nakatingin dito. “Ganyan ba talaga ang ugali mo?” malamig na tanong niya rito at hindi na nagpanggap pa. Wala na siyang pakialam kung anuman ang sabihin nito. Kailangan niyang diretsuhin ang ipinunta niya doon. Mabuti na lang at pumayag si Estelle na makipag-usap sa kaniya kaya lang ay sa isang cafe sila nagpunta para mag-usap.Ilang sandali pa ay nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Estelle at binuksan ang pinto pagkatapos ay naglakad patungo sa isang table bago nag-order ng maiinom nila. Mabibigat ang hakbang niyang pumasok sa loob upang sundan ito. Binalingan siya nito. “Hindi ka naman siguro pupunta sa bahay ko na ganung klaseng lugar kung

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 32

    SA OPISINA ni ay abala si Henry sa harap ng kanyang mesa. Eksaktong bumukas ang pinto at pumasok doon si Liam na ipinatawag niya dahil kailangan niya ito. Sinulyapan niya ito. “Magpatawag ka ng meeting kasama ang legal department sa conference room.” utos niya rito na may malamig na mukha.Ilang sandali pa ay tumayo na rin siya mula sa kanyang kinuupuan at pumunta sa conference room. Hindi nga nagtagal ay nagsimula nang magsidatingan ang mga ito sa loob kung saan ay dali-dali niyang inilabas ang testamento ng kanyang lolo at ipinamahagi sa lahat upang mabasa ng mga ito. “Gusto kong basahin niyo ng mabuti ang bagay na yan at sana ay hindi makalabas ang tungkol dito.” sabi niya kaagad sa mga ito.Isa-isang binasa ng mga ito ang mga hawak nilang mga papel samantalang siya ay walang ekspresyon ang kanyang mukha dahil tahimik na naghihintay sa mga sasabihin ng mga ito. Ilang sandali pa ay may isang nagsalita ang pinakamataas sa legal department. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status