Share

Chapter 68

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-08-14 11:28:38

PAGKATAPOS siyang ayusan ay napatitig siya sa sarili niyang repleksyon at masasabi niya nga sa sarili niya na para siyang nakakit ng isang bagong tao. Kaunting makeup lang ang ipinalagay niya dahil hindi naman siya sanay na mag makeup ng napakakapal ngunit hindi naging hadlang iyon para hindi lumabas ang taglay niyang kagandahan.

Tiningnan niya ang nag-ayos sa kaniya. “Ang ganda, salamat.” sabi niya rito. “Si Henry na lang ang bahalang magbayad ng mga ito pati ang damit.” sabi niya rito dahil sigurado siya na ang maliit na halaga ay parang wala lang kay Henry. Idagdag pa na malaking bagay din naman ang magiging kapalit nito. Habang nakatingin sa kanyang repleksiyon ay hindi niya maiwasang manlamig ang mga mata. Kahit na gaano pa siya kaganda ay sa paningin ni Henry, isa lang siya instrumento nito.

~~~~

Sa opisina ni Henry ay agad na dumating ang bill ng pinamili ni Estelle at agad niyang nakita na halos dalawang milyon ito kaya hindi niya naiwasang hindi mapakunot ang noo. “Ano ito?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 72

    HINDI lubos akalain ni Estelle na ganito talaga katanga ang babaeng ito. Nilingon niya ito at bago pa man nito matapos ang sinasabi ay napatawa na siya na puno ng panunuya. “Hindi ka ba nanonood ng balita Gwen?” tanong niya rito.Agad na rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito nang marinig nito ang kanyang tanong. Halatang wala itong alam. Paano nga ito makakasagap ng balita kung naroon lang siya sa loob ng silid na iyon at nakakulong?Mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone sa kanyang hawak na purse at pagkatapos ay hinanap ang video ng press conference kaninang umaga at pagkatapos ay ang iba pang mga video at ipinakita ito kay Gwen. tahimik nitong pinanood ang mga iyon ngunit kapansin pansin ang unti-unting pamumutla ng mukha nito.Mahigpit na napahawak si Gwen sa cellphone ni Estelle habang pinapanood at pinapakinggan ang lahat ng iyon. Ang kanyang mga mata ay namumula na sa sobrang galit at parang gusto na lang niyang ibato ang hawak niyang cellphone ng mga oras na iyon. Hin

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 71

    DAHIL sa nangyari ay napuno ng pananabik ang mga mukha ng mga reporters na nakapalibot na sa kanila ng mga oras na iyon. Gustuhin niya mang habulin si Estelle ngunit hindi niya iyon magawa dahil halos wala na siyang madaanan dahil sa mga reporter. Abot ang pagpindot ng mga ito sa mga dala nilang mga camera at kinuhanan sila ng larawan ng pauulit ulit.Wala ni isang nagtanong sa kanila ngunit ang mga mata nila ay punong puno ng mga panghuhusga nang makita ng mga itong magkasama sila ni Gwen na lumabas ng sasakyan. Ang hindi niya lubos maintindihan ay kung paano nagkaroon ng mga reporter dito.Nagtagis ang mga bagang ni Henry ng mga oras na iyon at dahil sa kanyang galit, hindi niya namalayan na unti-unti na palang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ni Gwen. kahit na dumistansya pa siya rito ngayon ay huli na ang lahat dahil nakita na ng lahat kung paano silang lumabas sa kotse kanina na magkahawak ang mga kamay. Idagdag pa na nasa tabi lang nila ang mga ito nang nag-usap si Gwen at

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 70

    PUNO ng pagkalitong nakatingin si Henry kay Estelle nang makita niya ang reaksyon nito. Hindi niya maiwasang hindi magtaka at para bang kinukutuban siya ng hindi maganda.Agad naman napansin ni Estelle ang pagdududa sa kaniya ni Henry kaya mabilis siyang nagtanong dito. “May problema ba?” tanong niya rito na nakakunot ang noo.Mabilis naman na umiling ito sa kaniya. “Wala naman. Basta hintayin mo ako dito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na binuksan nito ang pinto at umalis na.Ilang sandali siyang tumitig sa nakasarang pinto at pagkatapos ay biglang nilingon si Liam na naroon pa rin ng mga oras na iyon. “Ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa ihanda ang sasakyan? Anong oras na diba? Kailangan ko ng magpunta doon.” sabi niya rito.Bigla namang napatingin sa kaniya si Liam na puno ng pagkalito. “Pero hindi po ba sabi ni sir ay hintayin ninyo siya?” puno ng pag-aalangan na tanong nito sa kaniya.Gustong matawa ni Estelle sa itsura ng assistant ni Henry ng mga oras na iyo

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 69

    ITO ang gusto ni Estelle. Malamang na malamang kapag nakita na naman ni Gwen ang mga larawan nila at ang interview nila ay baka mabaliw na ito sa sobrang selos. Tiyak na hindi mapapakali sa kinalalagyan nito at tama lang sa kaniya iyon. Tama lang na maramdaman din nito ang naramdaman niya noong mawala ang anak niya sa ibang paraan.Nang makita ni Henry ang sitwasyon na kontrolado ni Estelle ang lahat sa palad nito ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito na puno ng paghanga ang kanyang mga mata. Hindi niya tuloy alam kung isa lang ba iyong ilusyon o ano ngunit habang tinitingnan niya si Estelle na nasa tabi niya ay para itong ibang tao. Ni wala ng bakas ng dating ito. Samantalang parang kahapon lang noong napakatahimik nito at kung paano ito magmakaawa sa kaniya pero ngayon, parang hindi na rin niya ito makilala pa. Mabilis niya namang hinawakan ang kamay nito at hinila ang kamay nito para lampasan na ang mga ito.Nang makalampas na sila sa mga ito at wala naman ng nakakakita sa

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 68

    PAGKATAPOS siyang ayusan ay napatitig siya sa sarili niyang repleksyon at masasabi niya nga sa sarili niya na para siyang nakakit ng isang bagong tao. Kaunting makeup lang ang ipinalagay niya dahil hindi naman siya sanay na mag makeup ng napakakapal ngunit hindi naging hadlang iyon para hindi lumabas ang taglay niyang kagandahan.Tiningnan niya ang nag-ayos sa kaniya. “Ang ganda, salamat.” sabi niya rito. “Si Henry na lang ang bahalang magbayad ng mga ito pati ang damit.” sabi niya rito dahil sigurado siya na ang maliit na halaga ay parang wala lang kay Henry. Idagdag pa na malaking bagay din naman ang magiging kapalit nito. Habang nakatingin sa kanyang repleksiyon ay hindi niya maiwasang manlamig ang mga mata. Kahit na gaano pa siya kaganda ay sa paningin ni Henry, isa lang siya instrumento nito.~~~~Sa opisina ni Henry ay agad na dumating ang bill ng pinamili ni Estelle at agad niyang nakita na halos dalawang milyon ito kaya hindi niya naiwasang hindi mapakunot ang noo. “Ano ito?”

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 67

    PAGKAALIS ni Henry sa silid niya ay mabilis siyang tumayo at dali-daling ipinasok sa basurahan ang bulaklak na bigay nito dahil sa sobrang galit niya idagdag pa na sobra rin ang nararamdaman niyang pandidiri.Puno ng pagkasuklam ang kanyang mukha ay agad siyang lumabas ng kanyang silid at hinanap si Gwen. madali lang siyang nakapasok sa silid nito dahil halos lahat ng doktor na tumitingin dito ay hawak na ni Dylan kaya wala siyang naging problema para makita ito.Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang umupo sa sofa habang magkakrus ang kanyang mga braso sa dibdib at pagkatapos ay tumingin siya kay Gwen habang nakataas ang isang sulok ng labi at may kalahating ngiti. “Hindi ko akalain na aabot ka sa ganito dahil lang sa pagmamahal mo kay Henry.” kaswal na sabi niya rito.“Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ni Henry e di sana ay masaya kaming dalawa ngayon! Isa ka talagang tusong babae at malandi!” nagtatagis ang mga bagang na sigaw nito sa kaniya at ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status