"Where are you?" tanong ni Abraham sa inaanak."I am walking with Charity right now," tugon nito. "Nasa labas kami ng steak house.""Okay, stay there. Pupuntahan ko kayo," aniya saka ibinaba na ang cellphone.Matapos lang ang ilang minuto ay nakarating na siya sa steak house. Agad siyang bumaba sa kotse at hinanap ang inaanak at nakita itong nakaupo sa bench ng isang mini park. Kasama nito ang kaibigang si Charity.Palapit pa lang siya ay nakita na siya ng dalawa, kaya sinalubong na siya ng mga ito."Good evening, Mr. Abraham, malambing na bati ni Charity at malamyos na kinurap-kurap ang mga mata niya. "Looking good as always.""Good evening, Charity. You look good tonight, too," tugon niya rito at binalingan ang inaanak. "Saan kayo after this?""We're just killing some time before we go to the club," sagot nito sa kanya. "So, you don't have to wait for me, ninong. I'll just book a cab.""Can I go with you?" diretsong tanong niya rito. Gusto niya kasing uminom, pero ayaw niya ring umi
Terakhir Diperbarui : 2025-09-16 Baca selengkapnya