Matapos ang dinner ay umalis na muna ako. Pero, si Dad, ang Mommy ni ate, si ninong Ryan at ang parents ni Lui ay na iwan. Mukhang may mahalagang kailangan silang pag-usapan. Pero, sa ngayon, hindi ko alam kung na saan si Lui. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Dahil, sa pilitan lang ang kasal nila ni ate. Kahit ako, na iinis din. Dahil, si ate pa talaga ang kailangan ikasal kay Lui. Alam ko naman na mabait ang ate ko, base na rin sa pinapakita at tinuturing niya sa akin. Pero, hindi ko kaya na ikakasal siya sa taong nagugustuhan ko. Alam kong mali, dahil, may nararamdaman na din akong especial kay Ninong. Kung dalawa nga lang ang puso ko, bakit hindi ko sila parehong mahalin? Kaso lang, hindi ako pwedeng maging madamot. Hindi ko pwedeng, isiksik ang puso ko sa kanilang dalawa. Hindi 'yon tama. Habang naglalakad ako dito sa lobby ng restuarant. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Lui. Nakatanaw siya sa malayo. Ibig sabihin, malalim ang iniisip niya. Pero, sana naman ay ma
Huling Na-update : 2025-07-20 Magbasa pa