"Napakawalang hiya mong anak!" sinampal ako nang malakas ni Dad. Halos napangiwi ang mukha ko. Hindi ko man lang magawang makapagsalita. Naiiyak na ako sa takot, sa sobrang kaba at sa kahihiyan kong nagawa. "Nagawa mong landiin ang fiancee ng ate mo! Tingnan mo ngayon, halos mag-isang araw nang hindi lumalabas ng kwarto ang ate mo! Hindi pa siya kumakain dahil sa ginawa mo! Alam mong nagmamahalan sila ng ninong mo! Pero, sinira mo 'to dahil sa kalandian mo! Isabel, pinalaki ba kita ng ganyan! Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang ginawa mo! Sadyang sutil ka na talaga! Pinapahiya mo lang ang Cordova Family!" Habang paulit-ulit niya akong sinusumbatan, paulit-ulit din akong tinutusok sa dibdib ng kung anong matalim at malamig na bagay. "Babe, stop that. Bata lang si Isabel, tama na. Nagawa na niya ang hindi dapat nangyari. Pero, bata lang siya, nagkakamali din siya. Please, tama na. Kakausapin ko na lang ang anak kong si Princess." Pinapakalma si Dad ng Mommy ni Princess.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya