"Fine, fine, fine. Basta ninong, ang gusto ko lang 'yong company mo lang. Ngayon lang 'to kasi aalis ka. Pero pagbalik mo ikaw na ang hahawak, maliwanag? at may kondisyon ako. Gusto kong maging doctor na talaga. Kaya ibibigay mo 'yon sa akin, kapalit ng paghawak ko sa company mo, hmm." Itinaas ko ang kilay ko. Natatawa ako sa isipan ko. Syempre, hindi ko siya palalagpasin. Dapat May makuha din ako noh. Hindi porket ninong ko siya at asawa ko siya. Siya lang ang pagbibigyan ko. Ako din dapat ang pagbigyan niya. "Pero Isabel, hahawak ka ng company kaya hindi mo na hahandle ang pagiging doctor dahil may hawak kang company." Masyado naman siyang mahinahon magsalita. Pero hindi ko pa rin gusto ang sinasabi niya. Minamaliit niya ba ako? "Bakit? Ikaw nga na kaya mo hindi ba? Kaya makakaya ko rin. Wala kang pagpipilian kundi sundin ang gusto ko. Kasi kung hindi, hindi rin ako papayag sa gusto mo, maliwanag?" dagdag ko pa. Nararamdaman ko na ngayon na parang asawa na ang turing ko sa kaniya.
閱讀更多