—Lorna—Nasundan ko na lamang ng tingin ang aking asawa kasama si Manang Candy patungo sa kitchen."So, what's up?" Untag sa akin ni Geraldine."May ginawa ka na naman bang kapilyahan, Gera?" Tanong ko kaagad sa kaibigan. "Hmm... kilala mo na talaga ako, no? Pero grabe ka, ha? Wala naman, bakit mo naman naitanong 'yan?""Siyempre, nasanay akong palagi mong kasama si Dante. Bakit himala yata ngayon na hindi mo siya kasama?""Pumuslit lang ako, t'saka busy iyon sa mga babae niya." Nakasimangot nitong sagot sa akin. Napasulyap ako sa kinaroroonan nina Mommy at Mommy Sylvia na nilaru-laro si baby Lorie. "Kaloka ka talaga, Gera.""Hindi na ako bata para bantayan niya. Isa pa, I want my freedom.""You can have your freedom of course. Kaya lang, iwasan mo na kasi ang ilang mga kaibigan mo na hindi mapagkatiwalaan," ani ko pa rito."Hindi ko sila kaibigan, ikaw, si Aiza at Lyn ang siyang tangi kong masasabing tunay na kaibigan. Nariyan kasi kayo palagi, ni hindi niyo ako iniwan at iniintin
Terakhir Diperbarui : 2025-07-17 Baca selengkapnya