Sa mismong tapat ng entrance ng ospital siya ibinaba nina Leon at Shann. Ang langit ay kulay abo—hindi pa umuulan, pero parang anumang oras ay babagsak ang ulan. Ganoon din ang pakiramdam ni Isabelle: may bumibigat sa dibdib niya, pero pilit niyang kinikimkim. Hindi na niya gustong isama pa si Leon sa problema niya. “Salamat, Leon. Salamat, Shann,” aniya habang bumababa ng kotse.Tumango si Leon pero hindi pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ito nanakatitig sa kanya. Si Shann sa likod, tahimik rin, parang naaamoy ang tensyon.Napatingin siya kay Leon. “May gusto ka pa bang sabihin?”Napakunot-noo si Leon, bahagyang nagsalubong ang kilay. “Bakit hindi ka pa pumapasok?”“Hintayin ko na lang na makaalis kayo,” sagot niya, pilit ang ngiti.Pero umiling si Leon. “Kung hindi ka papasok, hindi rin kami aalis.”Napamaang siya. “Ano—seryo—Leon, ano ba…”“Pasok ka na,” seryoso nitong utos.Huminga siya nang malalim. “Okay, sige,” sabi niya, pero totoo, gusto muna niyang makaalis si Leon
Huling Na-update : 2025-05-25 Magbasa pa