“Hi, good evening, ma’am, how may I help you?” tanong ng babae sa concierge, ang boses nito ay malamig at propesyonal. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Isabelle ang mapanuring tingin nito sa kaniya. Napalunok siya, naramdaman ang bigat ng bawat segundo habang hinihintay ang susunod na mangyayari. “Ah, I don’t have a reservation but someone made a reservation under the name of Melinda Caballero,” sabi niya, pilit na pinapanatili ang kalmado sa boses. “One moment, Ma’am,” magalang na sagot ng babae, ngunit hindi nito naitago ang lihim na pag-ikot ng mga mata. Habang may tinitingnan ito sa computer, si Isabelle naman ay iniyakap ang dalawang braso sa katawan, pakiramdam niya ay mali ang suot niya sa ganitong klase ng lugar. Ang bawat segundo ay tila isang oras, at ang bawat tingin ng babae ay parang kutsilyong tumatagos sa kaniyang pagkatao. “Ma’am, thank you for waiting. Yes, we saw the name Mrs. Melinda Caballero. She is in our VIP room at Red Chili Restaurant,” sabi ng
Terakhir Diperbarui : 2025-05-15 Baca selengkapnya