MADRIGAL VILLA.Maagang-maaga pa lang ay nasa hapag-kainan na sina West at Maverick sa mansion ng mga Madrigal. Kasama nila sa mahabang mesa ang buong pamilya—si Mr. at Mrs. Madrigal, at si Zendaya.Sa kalagitnaan ng almusal, tumunog ang cellphone ni West. Napatigil siya sandali, sinulyapan ang screen, at nang mabasa ang caller ID ay agad siyang tumayo.“Excuse me,” maikling paalam niya saka siya lumabas ng dining hall, papunta sa hardin. Sa pagkakadinig ng tono ng tawag, alam niyang hindi iyon basta-bastang usapan.Pagkasagot pa lang niya ng tawag, halos pasigaw na si Jasper sa kabilang linya. “West!” sigaw ng lalaki, halatang balisa. “Si Kuya… may nangyaring masama kay Kuya!”Napahinto sa paglalakad si West, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon. “What are you talking about? Anong nangyari?” “Hindi siya umuwi kagabi, West! Tinatawagan ko pero hindi sumasagot. Akala ko nasa opisina siya’t nagtatrabaho, pero tumawag ako ro’n kanina—they said umalis na raw si Kuya hours ago!”Nagpapa
Huling Na-update : 2025-07-10 Magbasa pa