Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Aurelia. Tahimik niyang pinagmamasdan si Anchali na payapang natutulog, yakap-yakap si *Sharky*. Sa gilid ng kama, nakaupo si Xavier, nakatalikod sa kanya, hawak ang isang tasa ng kape. Hindi ito nagsasalita, pero ramdam niya ang tensiyon sa paligid.“Aurelia,” bigla nitong sambit, hindi lumilingon, “hindi mo na kailangan magdesisyon agad. Pero… sana huwag mong sarhan ang pinto sa akin.”Hindi sumagot si Aurelia. Bumangon na lang siya, nagbihis ng simpleng damit, at bumaba para maghanda ng almusal. Habang hinihiwa niya ang prutas, naririnig niya ang mabibigat na yabag ni Xavier na bumaba rin.“Aurelia, may aayusin ako ngayong umaga. Huwag kayong lalabas ni Anchali, ha? Promise me,” mariin nitong bilin, sabay tingin nang diretso sa kanya.Nagtaas ng kilay si Aurelia. “Xavier, hindi ako bilanggo. Kaya ko naman alagaan ang sarili ko at si Anchali.”Tumikhim si Xavier, pinipigil ang inis. “Hindi gano’n ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang sigurad
Last Updated : 2025-09-24 Read more