Amoy usok at alat ng dagat ang sumasabay sa hangin habang nakaupo sila sa ilalim ng malaking payong. Nakahain sa gitna ng banig ang inihaw na manok, pritong isda, at simpleng kanin na binabalot sa dahon ng saging.“Daddy, I want the leg!” mabilis na sabi ni Anchali, halos tumayo na para abutin ang manok.“Aba, aba,” natatawang sagot ni Xavier, sabay kuha ng hita ng manok at iniabot sa anak. “Leg for the princess.”Kagat agad ni Anchali ang malaking piraso, at napatingin ito kay Aurelia na nakangiti lang. “Mommy, it’s yummy! Daddy’s a good hunter!”“Hunter talaga?” tawa ni Aurelia, sabay kuha ng sariling parte. “More like, daddy is a good eater. Sigurado akong hindi siya ang nag-ihaw niyan.”“Ouch, babe,” drama ni Xavier, kunwaring nasaktan. “Ako kaya ang nagpaluto. That counts as effort!”“Counts as laziness, you mean,” pang-aasar pa ni Aurelia, sabay kurot sa braso nito.“Mommy, be nice to Daddy,” singit ni Anchali habang ngumunguya. “He’s working hard, you know.”Napatawa si Xavier
Last Updated : 2025-09-20 Read more