Tahimik ang umaga, ngunit punô ng liwanag. Ang mga ulap ay tila humahaplos sa langit sa malambot na kulay bughaw at ginto, at sa hardin ng bahay ng mga Andrada, may halakhak na muling bumabalik—totoong halakhak, hindi ‘yung pilit o pinipilit itago ang sakit.Nakatakbo si Anchali sa damuhan, suot ang dilaw na bestida at may hawak na maliit na bubble wand. “Mommy! Daddy! Look! So many bubbles!”Sumunod sa kanya si Aurelia, nakangiti, habang si Xavier naman ay nakaupo sa may mesa, hawak ang kamera at kinukuhanan ang dalawa.Click. Click. Click.Bawat larawan ay puno ng galaw, tawa, at liwanag. Parang sa wakas, huminga ulit ang mundo nila.“Careful, baby!” tawag ni Aurelia habang tinutulungan ang anak na hindi madulas sa damo.“I got it, Mommy!” sagot ni Anchali, sabay tawa. “Daddy, take picture again!”Ngumiti si Xavier, sumigaw pabalik, “Smile, sunshine!”At nang ngumiti ang bata, may biglang init na gumapang sa dibdib niya—isang uri ng kapayapaan na matagal niyang hindi naramdaman.Hin
Last Updated : 2025-11-08 Read more