Ang umaga ay tila mas tahimik kaysa sa mga nakaraang araw. Sa mga sandaling iyon, habang nagkakape si Aurelia sa veranda, napapansin niya kung paanong sumasayaw ang mga sinag ng araw sa pagitan ng mga dahon ng santan sa harapan ng bahay. May banayad na hangin, may kalmadong simoy ng araw na tila nagpapahiwatig ng isa na namang magandang simula.Sa loob ng bahay, naririnig niya ang mahinhing boses ni Anchali—abala sa pagpili ng headband na susuotin. “Mommy, yung pink o yung may star?” tanong nito, humahawak ng dalawang headband sa magkabilang kamay.Ngumiti si Aurelia, itinabi ang tasa ng kape, at lumapit. “Yung may star,” aniya, isinuot iyon sa buhok ng anak. “Para kang little sunshine ni Daddy.”“Daddy’s still sleeping?” tanong ni Anchali, inaayos ang bag sa balikat.“Hmm, may maagang meeting si Daddy mamaya, pero aalis din siya after breakfast,” sagot ni Aurelia habang pinupunasan ang gilid ng bibig ng anak. “Come on, kakain muna tayo.”Pagbaba nila sa kusina, sinalubong sila ni Xav
Last Updated : 2025-10-19 Read more