Ang araw ay marahang lumulubog, pinapalamlam ang langit sa kulay kalawang at ginto. Mula sa labas ng bahay, maririnig ang malakas na halakhak ni Anchali habang naglalaro sa playhouse sa likod-bahay. Si Aurelia naman ay nasa terrace, may hawak na tasa ng tsaa, pinagmamasdan ang anak habang si Xavier ay abala sa pag-aayos ng mga paso sa hardin. Tahimik, payapa, tila ba walang bakas ng nakaraan.Ngunit sa gitna ng katahimikan, may mga sandaling sumisingit ang alaala — mga sigaw, mga gabi ng luha, at ang bigat ng mga salitang hindi na mababawi. Napapikit si Aurelia, dahan-dahang nilagok ang tsaa, at hinayaan ang init nitong magbigay ng kaunting kapanatagan.“Hey,” tawag ni Xavier, hawak ang hose at basang-basa ang kamay. “You okay there?”Ngumiti siya. “Yeah, just… thinking.”“Dangerous thing to do,” biro ni Xavier, saka lumapit, hawak pa ang hose na tumutulo pa ang tubig.“Xavier!” sigaw ni Aurelia, umiwas agad. “You’re getting me wet!”“Maybe that’s the point,” natatawang tugon ng lalak
Huling Na-update : 2025-10-09 Magbasa pa