Hannah's povTahimik kong inaayos ang mga gamit. Tinutupi ko na ang mga damit at nilalagay sa maleta ng maayos. Nagtatawanan pa sina Teru at Lucas nang pumasok sa loob. “Nasaan sina Sol? Nakabihis na ba?”“Wala na ang gamit nila rito,” sagot ko. Kumunot ang noo niya. Nabahala ang mukha ni Lucas. Tinignan ni Teru ang kwarto pero malinis na lahat. Pati ang mga maleta nina Miya ay wala na rin.“Nasaan sila?”“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?” mahinahon kong tanong. Tumayo na ako at hinarap sila. “Ano bang sinabi mo kay Sol nong umaga?”Iniwas niya ang tingin sa akin. Nilabas niya ang cellphone at dinial ang number ni Miya. “Wala ring silbi iyan dahil hindi naman nila sinasagot,” sabi ko. Hindi siya nakinig. Tinawagan niya pa rin ng paulit-ulit. “The number you have dialed is un—”Napaupo si Teru at minasahe ang sintido. Bumuntong hininga si Lucas. Huminga ako ng malalim. Gusto kong kalmahin ang namumuong inis sa katawan ko. Sigurado akong wala na kanina pa lang sina Miy
Solene's POV Pipikit-pikit pa ako nang buksan ko ang pinto nang bumungad si Teru na bihis na bihis. Nakaputing sando t-shirt lang siya na tinernuhan niya ng jogging pants. Huwag mong sasabihing mag-aaya ito mag-jogging?Tinakpan ko ang bibig ng maramdamang hihikab ako. Hindi ko mapigilan humikab ng paulit-ulit. Hindi pa yata sumisikat ang araw ay nambubulabog na siya. Antok na antok pa tuloy ako. “Ano ba? Mamayang gabi pa ang flight natin.” Pipikit-pikit ako habang nakaharap sa kaniya. Gusto ko na lang humiga ulit sa kama kaysa tumayo dito at kausapin siya. “Nagpunta si Lucas kanina—”Pinagsarhan ko siya ng pinto. Umagang-umaga pero ang pangalan ng lalaking iyon ang maririnig ko? Mas mabuti pang matulog na lang. Lumakad na ako pabalik sa kama at niyakap ang malambot na unan. Nakarinig muli ako ng ilan pang mga katok pero hindi ko na ito binuksan pa. Bahala siyang mangawit diyan! Manggigising tapos si Lucas ang ibubungad sa akin? Nice way to try!___“Solene...”Tumalikod ako at
“Lucas?” tawag pansin ni Teruya. Lucas? Bakit parang familiar? Narinig ko na ba iyon dati? Bakit parang isang pangalan na sanay nang lumalabas sa bibig ko? Pero ang bigat sa pakiramdam. Kumikirot lamang ang puso ko. Ano bang pakiramdam ito? Lumingon sa kaniya iyong tinatawag niyang Lucas. “Bakit may boyfriend na si Miya? At mas lalong b-ba’t hindi na ako kilala ng mag-ina ko?” Napaupo siya. Sumilip ako mula sa likuran. “Dahil hindi naman ikaw ang ama ng anak ko!” sigaw ko rito. “Mag-isa na lang ako. Tiniis ko kasi alam kong balang araw magkikita ulit kami kaya bakit?” umiiyak niyang sabi, hindi na nakikinig. Nagsasabi-sabi na siya. Ganiyan ba talaga ang mga lasing? “Lasing ka na. Umuwi ka na,” kalmado ang boses na sabi ni Teru sa lalaki. Hinawakan niya sa braso ang lalaki at pilit itong tinatayo. “Tumayo ka na para maihatid na kita.”Lumapit sa akin si Hannah at kinuha si Mina. Sumama naman agad sa kaniya ang bata. Si Solene naman ay masamang-masama ang mukhang dumiretsyo kina Te
Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa
“Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba
“I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter