Share

Chapter 37

Aвтор: Yarnie
last update Последнее обновление: 2025-06-24 10:59:31

Solene's POV

“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”

“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”

“Nailigtas po ba silang pareho?”

Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman.

“Kailan po magigising si Miya?”

“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”

Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Заблокированная глава

Latest chapter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 37

    Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 36

    Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 35

    “Anong binabalak mo? Bakit ka nakayuko?”Napapikit ako ng mariin nang hilahin niya ang buhok na dahilan nang pagtingala ko at pagtama ng mata namin. Binitiwan niya ang buhok ko. Inilabas niya ang kutsilyo at hinimas-himas ito habang nakalabas ang dila. Napalingon kami nang makarinig ng ingay sa labas. Marahas din ang naging pagbukas ng pinto na nakapagpa-urong sa kaniya. Iniluwa nito si Lucas na pawis na pawis at naghahabol pa ng hininga. Sa likod niya ay si Lois na sumesenyas. Nakatapat ang daliri nito at patagilid na ni-slide ang daliri sa leeg. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung anong ibig sabihin no’n. “Miya!”Umiling-iling ako kay Lucas. “Huwag kang lumapit!” sigaw ko. Hindi siya nakinig. Tumakbo pa rin siya palapit sa akin. Napahiyaw ako nang iwasiwas ng lalaking kasama ko ang kutsilyo sa harapan ko. May tumalsik na dugo. Pagtingin ko ay nakalas na ang tali sa paanan ko ngunit may ilang hiwa ito. Akala ko ay tapos na pero nasundan pa ulit isang wasiwas. Hindi sa d

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 34

    Nagising ako sa mga sampal na umaabot sa pisngi ko. Idinilat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Lois. "Oh!” sigaw nito at dinuro ako. “Gising na ang prinsesa!” Humagalpak pa ito. Iginala ko ang paningin. Sa tansya ko ay nasa isa kaming tagong warehouse dahil sa madilim-dilim at malaking space sa paligid. May ilang bintana rin ngunit may mga tapal ito ng kahoy kaya mukhang mahirap paglabasan. Yumuko ako. Nakaupo ako ngayon habang nakatali ang kamay sa likod at paa ko sa magkabilang dulo ng silya. Huminga ako ng malalim. Mabuti na ito. Tumingin ako sa tiyan ko. Buhay pa tayo. Mabubuhay pa tayo. Kapit ka lang, baby. Sigurado akong hinahanap na ako nina Teruya ngayon. Hindi ko alam kung anong oras na pero nakakasiguro akong nakatumbok na sila. Hindi ako pwedeng magkamali. Umangat ang tingin ko pagkarinig sa paglangitngit nang bumukas na pintuan. Bumungad dito ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt at pants. May headset din siyang nakalagay sa ulunan n

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 33

    Ala singko imedya pa lang ng umaga ay ginising na ako ni Teruya. Maaga siyang umalis. Susunduin niya na sina Hannah at Solene sa airport at ang isa naman ay sa terminal. Maaga tuloy akong nakapaligo at nagbihis upang abangan sila. Tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong dinampot at sinilip ang notification. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text message mula sa unknown number. Unknown Number Lumabas ka ngayon din. Aga-aga mang-trip, a? Pakulo na naman ba ’to ng mga batang puslit sa tabi ng bahay ni Aling Lydia? Napailing-iling ako. Mga batang iyon. Napagtripan na naman nila ako. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay tumunog ulit ang cellphone ko. Unknown Number May dala akong pagkain. Baka gusto mong kainin?Kumunot ang noo ko. Ano ako bata? Hindi ako uto-uto. Pinindot ko ang number at blinock ito. Ang kulit-kulit. Hindi nga nagpakilala kung sino. Wala manlang chat etiquette. Hindi ko na lang ito pinansin at kinuha na lang ang walis tambo. Pinagpatuloy ko na lang ang

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 32

    Nakaupo ako sa sofa habang kumakain ng pipino. Binuksan ni Teruya ang TV. “Mapapaaga pala ang pag-uwi ni Hannah. Tumawag kanina baka sa makalawa daw ay makauwi na siya. Si Solene naman baka rin makauwi din daw ng araw na iyon. Nakauwi na kasi ang Lola niya sa bahay at doon na nagpapahinga.”Tumango-tango ako. “Okay pala. Boring din kasi na wala tayong nakakasama.”Napangisi siya sa sinabi ko. “Sure ka? Palagi ka ngang pinunpuntahan ni Aling Lydia rito at dinadalhan ng prutas.”Ngumuso ako. “Mabait lang talaga ang landlady natin.”Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang umalis ako sa bahay ni Lucas. Hindi na kami sa hideout tumuloy at sinunog na ni Teruya ang lugar na iyon upang mawala ang pinagbakasan namin. Binayaran niya na rin ang upa sa apartment niya at tinapos na ang kontrata. Lumipat na kami ng lugar at umupa ulit. Naalintana ang pag-uusap namin nang mabanggit ang pamilyar na pangalan sa TV.“Exclusive News ni Dona Reyes. Lucas Chavez ang panganay sa magpipinsan na kil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status