LOGINGood afternoon
Guys, this is really a give and take situation. Early week of this month, hindi ba nagnote ako na tatapusin ko ito dapat sa October kasi tapos na ako magfocus kay Vida and Aris? Pero alam niyo anong nangyari? Nalaman kong kumalat pala ang soft copy niya sa soc med. And that's upsetting on my end. Kahit sino po ay mawawalan talaga ng gana magsulat lalo't mababasa mo sa m@gnanakaw na binibenta rin nila ang story ko in low price. Ikaw nagsulat tapos ibibenta nila. Do you think, nakakamotivate yan? Hindi po. So paano naman ako magpapatuloy kung alam kong maraming group pages at group ch@ts na nag-aabang ng update ko para ma post nila doon ang story na ito? Kaya imbes bumalik, naglie low ako ulit. Nagbabasakali akong kung matengga to e iiwan rin ng mga magna ang story. Besides, alam ko kasing yung ibang readers dito e nagbabasa kay Vida at Aris (at alam nilang active ako doon. Lagi nga ako nagno-note na babalikan ko si Merida. In fact, kakaisip ko kay Merida, napapadpad na pangalan
Merida’s POV Thanks to Luke, nalaman rin namin sa wakas ang pangalan na sinasabi ni Vivi at Hazie na girlfriend ni Evos noon. Si Pamela Cera. Ngayon, ay nagbabasakali kaming makita namin siya sa address ng dating apartment niya. Pagbaba namin ng sasakyan, naramdaman kong may kumuha sa kamay ko. Si Aidan. Nakatingin siya sakin ng mariin. Ngumiti ako sa kaniya kahit na kinakabahan ako. Nang mabasa ko no’ng isang araw na Pamela Cera ang pangalan no’ng doctor, hindi ko alam bakit pumasok sa isipan ko bigla si Doc Pammy. Ang OB ko noon. Pero alam ko namang hindi papatol si doc sa kasamaan ni Evos. Mabait ang doctor ko at sobrang maalalahanin. Malayong-malayo sa ugali niyang makipagsabwatan kay Evos. At isa pa, hindi Pamela Cera ang pangalan niya. Pamela Bui. Kaya kahit papaano ay medyo kumalma ako. Agad nagsagawa ng imbistigasyon si Aidan tungkol kay Pamela at nalaman namin na dati siyang nakatira sa apartment na siyang pinuntahan namin ngayon ngunit nakapagtataka dahil wala na kaming
Luke’s POV[Ikaw nalang ang aasahan ko ngayon, Luke. Sana matulungan mo ko.]Ang text na natanggap ko mula kay ate Merida.“Anong gagawin mo ngayon?” tanong ni Lisa na kasama ko ngayon. Suot niya ang uniform niya at kakatapos lang ng klase niya kaya sinundo ko siya dahil sabi niya gusto niyang kumain kami sa labas ngayon.“Uuwi siguro ako, Lisa.”“Sa tingin mo, mapapaamin mo kaya si mama tungkol sa buong pangalan ng ex ni kuya Evos?”“I don’t know but I’ll try.” Sagot ko at tumingin ulit sa cellphone ko dahil nagtext si Vivi. Sumilip si Lisa kaya agad ko itong nailayo sa kaniya.Agad niya kong pinagkununtan ng noo.“Bakit mo nilalayo ang phone mo?”“It’s rude kung magbabasa ka ng text message ng ibang tao.”“Hindi ka naman ibang tao sakin.”“Kahit na.”Pinagsingkitan niya ko ng mata at pagkatapos ay nakita kong ibinaba niya ang juice niyang iniinom niya.“Luke, magtapat ka nga sakin, talaga bang ginagamit mo lang si ate Vivi para pagselosin si kuya Evos?”Ako naman ang nagtaka sa punto
Merida’s POVPagkababa ko ng kotse, ibinaba ko rin ang sunglasses ko. Tinignan ko ang maliit na pad na tinitirhan ni Hazie ngayon. Matagal na no’ng huli ko siyang makita.Ang pad na tinutuluyan niya ay maganda naman. Mukhang matiwasay pa rin naman ang pamumuhay niya kumpara sa mga average na tao. Kung sabagay, kahit pinutol ni Evos ang connection niya sa ina niya, mabubuhay pa rin si Hazie dahil unang-una sa lahat may pera siya at kaya siyang suportahan ng mga kapatid niya o di kaya ay ni Luke.Pero yung istado niya ngayon ay ibang-iba noon.Nakausap ko na si Luke no’ng nakaraang araw. Sinabi niya sakin ang lahat ng mga sinabi ni Vivi at naganap sa bahay ng mga Rendova.Masaya akong malaman na nakahanap na si Vivi ng paraan para maisahan si Evos.Kaya ngayon, gagawin ko naman ang parte ko, yun ang iligtas si Alex.Nandito ako kay Hazie dahil gusto kong malaman kung sino yung girlfriend ni Evos noon. At kung alalahanin ko, may nabanggit nga noon si Hazie na may girlfriend ang anak niya
“Wala na tayong stocks sa ref.” Ang sabi ko kay Evos. Nasa study siya, may ginagawa sa laptop niya. Nag-angat siya nang tingin sakin na lukot mukha. Na para bang naiinis siya na naisturbo ko siya sa trabaho niya. Hindi naman ako lalapit dito kung di niya sinisante ang mga katulong sa bahay niya. Kaya wala akong choice kundi ang gawin ang mga gawaing bahay dahil magagalit siya kung di ako kikilos.At saktong wala na akong lulutin para sa kakainin namin. “After my work.” Simpleng sagot niya. “K-Kung may ginagawa ka, pwede namang ako nalang.” “Damn it, Viviana! Hindi ka ba makaintindi? I told you aalis tayo after my work!” Napakislot ako nang bigla siyang sumigaw.Hindi ko pa rin siya maintindihan. Bakit? Bakit ba ganto ang trato niya sakin? Ayaw niya kong mawala sa paningin niya pero kung tratuhin niya ko ay parang bilanggo ako at parausan niya. Ayaw niya kong madikit kay Luke, ayaw niya ring nakikita akong nakikipag-usap sa mga empleyado niyang lalaki. Kaya nga wala kaming ka
Vivi’s POVTumayo ako na balot na balot ang katawan sa kumot. Napatingin ako kay Evos na tulog na tulog sa tabi ko. Napatitig ako sa mukha niya.Ilang linggo ng wala samin si Alex. Thanks to Luke, nababaling ang attention niya sa amin at hind isa bata.Ayokong maniwala dahil imposible pero sa pinapakita niya, baka ay totoo. Baka ay may nararamdaman siya sakin, hindi ko lang tiyak kung ano basta sigurado akong hindi yun pagmamahal.Noon, palagi niyang kong sinasaktan pero no’ng umeksena si Luke para tulungan ako, hindi na niya ako napagbubuhatan ng kamay.Pero yung pang-aabuso sa salita at pananakot ay naroon pa rin.At least alam kong may improvement.Mas naging tutok siya sakin at kulang nalang ay ikulong niya ko sa kwartong kasama niya. Hindi ko na batid ano ang takbo sa utak niya.Nagbihis ako ng damit at lumabas ng kwarto kung saan ay nakita ko si Luke na umiinom sa madilim na sala. Dapat ay binuksan niya ang ilaw.Lumapit ako sa switch para sana buksan ito nang pigilan niya ko.“







