Vivi’s POV[Masaya ako Vi na ligtas kang nakauwi.]Iyan ang nabasa ko mula sa text message ni ma’am Merida. Pinagpapasalamat ko na siniguro nila ni Aidan na makauwi ako ng ligtas dahil kung wala sila, baka ay nasa kamay na ako ni Evos ngayon.Nang sabihin ni ma’am Merida sakin ang katotohanan na hindi baog si Evos, na peke ang medical records niya, natakot ako. Dahil malaki ang tsansa na hahabulin niya ko para sa batang dala-dala ko ngayon. Ayos lang sana kung hahabulin niya ko para hilinging mabuo kami pero hindi.Alam kong ilalayo niya lang ang anak ko gaya ng sabi ni ma’am Merida sakin kaya kahit na anong mangyari, hindi dapat niya ako matunton.[Ate Vi, ayos lang po ako dito.][Ate, wala po kayong dapat ipag-aalala sakin.][Te, goods pa ako!]Sunod-sunod ang reply ng mga kapatid ko. Nakauwi na ako sa aming probinsya at una kong ginawa ay e text ang mga kapatid ko kung kamusta sila sa pag-aaral nila.Nasa isang marangyang skwelahan sila pumapasok ngayon. Salamat sa tulong ni sir Aid
Terakhir Diperbarui : 2025-08-24 Baca selengkapnya