Matapos kumain ni Aidan, nagtungo na rin kami sa master’s bedroom para matulog. Pero bago pa talaga ma-knock out itong asawa ko e nagdrama pa siya na kung paano daw kung siya lang ang maiiwan sa bahay, ano daw gagawin niya oras mag-away ulit ang dalawa.Dina-down niya ang sarili niya at mukhang mas siya pa ang nasaktan nang pagalitan niya si Tala kanina.Mabuti nga ngayon ay tuluyan na siyang nakatulog. Ako, kahit anong gawin kong pagpikit sa mata ko, hindi pa rin ako inaantok.Dahil iniisip ko lagi si Vivi.Sa mga nakalipas na taon, walang araw na diko siya naiisip.Matapos kong manganak, huli na nang malaman ko na dinala pala ni Evos si Vivi sa America. Grabe ang iyak ko no’n at halos ilang buwan rin akong nag-aalala to the point na nagkakasakit na ako.Kinabahan kasi ako na baka may ginawang masama si Evos sa kaibigan ko. Wala na ang baby nila, ano nalang ang mangyayari kay Vivi?Wala ng dahilan si Evos para magpigil. Knowing him, alam kong kay dali lang sa kaniya saktan si Vivi.Tu
Last Updated : 2025-09-02 Read more