Ronald’s POVKitang kita kong naguguluhan na si sir Aidan. Una napagkamalan pa siya ni ma’am Merida na may anak sa labas. Tapos may kabit. Ngayon nag-away sila kasi no’ng tinanong siya kanina, hindi siya nakasagot. Mas pinili niyang tumahimik.Bakit kasi di pa niya pinalitan ang pangalan ni Alex sa contact list niya at ginamit pa rin ang Lexi? Tuloy iba na ang naisip ni ma’am.Tapos yung tuta nadamay pa at naging anak niya. Kung sabagay, yung Theo ay pangalan nga naman ng batang lalaki.“Masisiraan na yata ako ng bait nito, Ronald.” Sabi niya sakin. “Ayaw sagutin ng asawa ko ang mga tawag ko. Ngayon, iniisip niyang binali ko ang mga pangako ko sa kaniyang diko siya lolokohin.”“Sir, hayaan niyo lang po. Maiintindihan naman ito ni ma’am Merida pagdating ng araw.”“Sabihin ko nalang kaya sa kaniya ang lahat?” tanong niya sakin.Sa akin lang naman, mas maganda talaga na ipaalam kay ma’am Merida na anak ni Vivi si Alex pero sa ugali rin ni ma’am, oras malaman niyang kaya napunta kay sir A
Huling Na-update : 2025-09-17 Magbasa pa