Hindi ko inakala na mararamdaman ko pa ulit ang katahimikan. Isang buwan na ang lumipas simula nang tuluyan kong talikuran si Drako. At sa bawat araw na lumilipas, unti-unting natututo ang puso kong huminga ulit—malaya, kahit pa may bakas ng sugat. Pansamantala akong naninirahan sa condo ni Drugo. Tahimik ang lugar. Mataas ang kisame, maraming natural light, at palaging amoy vanilla ang mga linen niya. Nakakapanibago—ang hindi matakot, ang hindi maglakad na parang may nagbabantay sa bawat kilos ko. Si Drugo, sa kabila ng lahat, ay naging mas higit pa sa isang kaibigan. Hindi lang siya tagapakinig. Ginagawa niya ang lahat para matulungan akong hanapin ang pamilya ko. Araw-araw, may tawag siya sa mga embahada, sa mga international agencies, kahit pa minsan wala namang balita. Hindi siya sumusuko. At sa tuwing makikita ko siyang gano’n, hindi ko maiwasang matahimik. "I’ll find them, Caleigh," madalas niyang sinasabi. "You have my word." Naniniwala ako. Kasi kahit kailan, hindi niya ak
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya