★ Sienna’s POV ★Pagkababa ko ng sasakyan sa tapat ng mansion, para bang bigla akong nawalan ng lakas sa tuhod. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, o dahil sa bigat ng nararamdaman ko mula nang iwan ko si Denver sa ospital. Ilang araw na akong halos hindi makatulog ng maayos, at ngayong muli kong nasilayan ang pamilyar na harapan ng aming bahay, saka ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat.Bumungad agad sa akin ang liwanag mula sa malalaking ilaw sa labas. Bago pa man ako tuluyang makapasok, bumukas na ang pinto at sinalubong ako ni mama, kasama sina Manang Lita, Cara, Maria, at Luisa. Para silang nag-aabang mula pa kanina, halatang kanina pa nila hinihintay ang pagdating ko.“Ma’am Sienna!” halos sabay-sabay na tawag ng mga kasambahay.“Sienna, anak!” sigaw naman ni mama na agad lumapit sa akin. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya, para bang gusto niyang kunin lahat ng bigat na pasan ko. “Ano na? Kumusta na si Denver?”Hindi ko agad nasagot. Napatitig lang ako kay mama, sab
Terakhir Diperbarui : 2025-08-24 Baca selengkapnya