★ Sienna’s POV ★Pagkatapos namin maglaro, dumiretso kami sa food court. Sobrang daming pagpipilian, pero si Denver, parang alam na agad kung saan kami pupunta.“Let’s go here… you’re trying tteokbokki.”“P-pero masarap ba iyon?” tanong ko habang lumapit kami sa stall."If you don't try, you'll never know," nakangiting ani niya.“Tteokbokki du gae juseyo,”(Can I get two tteokbokki, please?) Aniya pagkalapit sa may stall ng tteokbokki.Then he turned to me. “You’re gonna love it.”Napangiti na lang ako sa sinabi niya, parang ang layo ng pagkatao niya kapag nasa office siya at kasama ako.Maya-maya, iniabot na ng tindira ang tray namin, kinuha naman ni Denver iyon. “Eumsik masissge deuseyo,” (Enjoy your food) nakangiting ani ng tindira, hindi ko maintindihan iyong sinabi niya.“Thank you,” sabay ngiti ko, kahit hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya. Tapos nilingon ko si Denver. “Did you understand her?” takang tanong ni Denver.“Hindi,” nakangiting ani ko, napailing na lang siya.
Last Updated : 2025-07-05 Read more