Wild’s POV Nasa veranda ako, nakaupo sa kahoy na bangko, habang pinagmamasdan ang malawak na taniman sa may likuran ng bahay. Katatapos lang ng hapong puno ng inis at katahimikan, at para bang kailangan ko ng kausap para mabawasan yung bigat sa dibdib. Hindi nagtagal, dumating si Khalid — matalik kong kaibigan mula pa pagkabata. Katulad ko, wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon. Guwapo, matangkad, at tipikal na may karisma na hinahabol ng mga babae sa pier tuwing uuwi galing biyahe. Trabaho niya bilang seaman ang dahilan kung bakit madalas siyang wala, pero tuwing magkikita kami, para bang walang nagbago. Pag-upo niya sa tabi ko, agad kaming nagkumustahan. "O, tol, kumusta? Wala pa rin bang balita sa love life mo?" biro ni Khalid. Napailing lang ako, humigop ng kape, saka napangiti nang mapait. "Wala, pare. Alam mo naman… ayoko na munang masangkot diyan." Naging seryoso si Khalid, pero may halong biro ang tono. "Grabe ka, parang galit ka sa mundo ah. May pinanggag
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya