Pagdating nila sa lugar, agad na sumalubong sa pandinig ni Asia ang banayad na agos ng tubig. "Ilog…" bulong niya, habang nakasakay pa rin sa kabayo, may halong tuwa sa tinig. Pagdating mismo sa pampang, si Wild muna ang unang bumaba. Hinawakan niya ang renda at tiningnan si Asia na nakatingin sa kanya mula sa itaas ng kabayo. "Halika, baba ka na," utos niya. Pero imbes na bumaba nang maayos, kunwaring nagpa-carry si Asia, iniunat pa ang dalawang braso sa kanya na parang batang nagpapabuhat. Napailing si Wild pero hindi maitago ang ngiti. "Aba, pabebe pala ang wife-to-be ko," biro nito habang inaabot siya. Pagkababa, mabilis na pinalo ni Asia ang dibdib niya gamit ang dulo ng daliri. "Uy, ang hina," agad na pang-aasar ni Wild. "Hindi ko nga naramdaman. Lakasan mo sa susunod." Binelatan lang siya ni Asia bago umirap, pero may bahagyang ngiti sa labi. --- Matapos itali ni Wild ang kabayo sa isang malaking puno, nauna nang tumakbo si Asia papunta sa gilid ng ilog.
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya