**VAUGHN**“Buntis ako, Vaughn,” bungad sa akin ni Sylvette noong maabutan niya akong mag-isang umiinom sa mesang napili kong tambayan rito sa sarili kong bar, ang Night Zaar Bar.“Pati ba naman dito, bigla-bigla ka na lang sumusulpot, Sylvette?” may iritang saad ko bago inis na lumagok ng alak habang matalim na nakatitig sa kanya.“Narinig mo ba ang sinabi ko?” aniya sa seryosong tinig. Nanatili siyang nakatayo habang maiging nakatitig rin sa akin. Pareho kaming may talim ang mga mata, tila nagsusukatan at walang balak na magpatalo sa isa't isa. “Oo, narinig ko. Congrats dahil buntis ka,” walang gana kong sagot bago muling nagsalin ng alak sa baso.“Pakasalan mo ako,” saad niya na siyang nagpahinto sa akin. Nagpakawala ako ng isang pagak na tawa at napahilot ng sentido dahil sa sobrang absurdong hiling niya. “Are you kidding me?”“No, I am not,” nakangiting sagot niya, isang ngiting nagpabalik sa akin sa pagiging seryoso.“Sinadya mong may mangyari sa atin sa gabing iyon para pik
Read more