“T-Thank you po, Sir Benedict,” pautal kong pasalamat habang pilit na ibinabalik ang pagiging propesyonal sa tinig ko. “Sa akin lang? Hindi ka ba magpapasalamat kay Vaughn?” turo niya sa lalaking nasa tabi ko kaya dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa mesa at ginawa iyong suporta sa kaniyang ulo upang mas lalo akong matitigan nang direkta. Ang kaniyang mga mata ay tila naging mga matatalim na patalim na humihiwa sa bawat pagpapanggap ko. “Bago ko binasa ang project proposal, siya muna ang pinabasa ko. When he said yes, then I went with the project,” tuloy ni Benedict. Pilit akong napangiti nang maibaling ko uli ang tingin sa kaniya. “Thank you, Sir Vaughn,” pasalamat ko sa kaniya bago ako mabilis na napatayo. “You’re welcome,” tugon niya sa baritonong boses na naghatid ng pamilyar na kuryente sa aking sistema. Napatayo na rin siya. Muli akong nagpasalamat kay Benedict at nagpaalam na aalis na. “Sabay
Read more