“Sige, ibigay mo sa akin ang numero.”Agad ko namang inilista ang numerong ibinigay niya sa akin.“Thank you,” pasalamat ko sa kaniya bago naputol ang usapan namin. Tinawagan ko ang numero na ibinigay sa akin ng babae.“Hello, this is Gheli, HR of VERTEX International Investments. Sino po sila at ano pong sadya?”“Papasok ba ngayon ang CEO ninyo?”“Hindi po sigurado, Ma'am. Tumawag po siya kanina na mamayang hapon pa po ang pasok niya rito sa VERTEX at hindi niya sinabi kung anong oras siya papasok.”“Pwede ko bang mahingi ang numero niya? May kailangan lang akong sabihin sa kaniya. Importanteng-importante lang.”“Pasensya na po, Ma'am. Hindi po kami nagbibigay basta-basta ng numero ng CEO sa kung sino-sino po,” magalang na paumanhin niya kaya napahigpit ang hawak ko sa cellphone.“Asawa niya 'to, si Mira.”“Naku po, Ma'am. Tanya po ang pangalan ng asawa ni Sir Vaughn at hindi po Mira. Pasensya na po talaga at hindi ko kayo mapagbibigyan ng numero niya. Ibaba ko na po,” at tuluyan na
Read more