Habang paakyat, inaalalayan ni Erena ang kanyang dress. Nakayuko niyang maingat na binabaybay ang hagdan patungo sa loob ng yate. Napansin niya ang isang kamay sa kanyang harap na nanghihikayat na hawakan ito. Nang hindi nag-aangat ng tingin upang tingnan ang mabuting tao na nag-alok ito, maingat niyang nilatag ang kamay sa kamay nito. Pagdikit pa lamang ng kamay niya rito, agad niyang naramdaman ang init ng palad nito. Init na pamilyar at nagbibigay kasiguruhan na ligtas at protektado siya. Maingat na inilalayan siya nito hanggang sa makarating sa patag na bahagi ng yate. Pag-angat ng kanyang tingin, titig ni Joaquin ang sumalubong sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang nanatiling nakahawak ang kanyang kamay rito. "The dress suits you well. You look stunning tonight, Erena." simpleng wika ni Joaquin pero puno ng paghanga ang tinig nito. Para naman itong musika sa pandinig ni Erena. Wari hinihele siya ng bawat salita ni Joaquin.Nag-init ang pisngi ni Erena sa narinig n
Last Updated : 2025-08-08 Read more