Seryosong inaayos ni Erena ang lahat ng kakailanganin niyang itransition kay Mikhaela. Kahit nakakaramdam siya ng galit sa pangyayare, personal siya na nagsagawa ng meeting para sa team na kasama niya sa pagbuo ng eco mall project. Nagpasalamat siya sa mga ito at higit sa lahat sa kanyang sekretarya na walang sawa ang suporta sa kanya para magawa ng maayos ang lahat. "Final na po ito, Ma'am Erena?" tanong ng kanyang sekretarya. Tumango siya at agad na nagbaba ng tingin para hindi mapansin nito ang kung ano man sa nararamdaman niya ngayon. “Yes. Lahat ng reports, status updates, supplier coordination... sinama ko na rin pati mga feedback ng LGU at environmental compliance documents. Bahala na siya diyan.” Dahil sa transition, hindi maiwasang ilang beses niyang makita ang pinsan. Pinanatili niya ang professional na pakikitungo rito. Hindi niya alam kung paano niya napanatiling hindi magpakita ng emosyon, pero nagawa niya. Ngayon ang huling araw ng pagtransition niya sa lahat.
Last Updated : 2025-07-31 Read more