NAKATAAS ang isang kilay at naka-crossed arms si Honeylet habang naglalakad ang mag-anak ni Jav palapit sa kanya. "G-Good evening po, Ma'am," magalang na bati ni Elorda. Kahit na nag-aalanngan siya na batiin ay ginawa pa rin niya bilang respeto. Napatingin si Jav sa asawa at ngumiti ng payak. Gumanti na lang ng ngiti si Elorda at hindi na lang pinansin ang inakto ng biyenan. "Ma..." sabi ni Jav na lumapit sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "Oh, Jav. Kumain ka na ba? May niluto ako, baka gusto mo?" Masayang ani ni Honeylet sa anak. Pilit na ngumiti si Elorda sa kanyang asawa nang napabaling ito sa kanya. Napabuntong-hininga si Elorda. Ramdam niya ang malamig na pakikitungo ng biyenan, pero pinilit pa rin niyang maging magalang. "Salamat po, Ma'am," mahinang sabi ni Elorda. "Busog pa po kami ni Jav. Kumain po kami sa daan." Tiningnan lang siya ni Honeylet mula ulo hanggang paa, saka tumikhim. "Ah, gano'n ba? Sayang naman 'yung niluto ko. At saka, bakit ikaw ang sumagot a
Last Updated : 2025-07-24 Read more