"ALAM mo ganyan na ganyan din ang buhay namin. Pero ako, pinilit kong makatapos. Kaya nakapagtrabaho ako sa ibang bansa. Naging maayos naman ang buhay namin," kuwento rin ni Elorda. "Unti-unti nakakapundar na ako. Nakabili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko. Lahat ng hirap ko ay nagkakaroon na ng saysay..." Bahagyang ngumiti si Neng, napayuko siya. Saka, tumunghay sa kanyang amo. "Maswerte po kayo, Ate Elorda. Kahit paano ay nakita n'yo ang mga pinaghirapan mo. Ako po, wala." Napabuntong-hininga si Neng. “Parang habang tumatagal, lalo lang akong napapagod. Kahit anong kayod ko, parang walang nangyayari. Laging may kulang… laging may kapalit.” Tahimik na nakinig si Elorda, nakatingin sa kawalan habang iniisip ang pinanggalingan niya noon. “Ganyan din ang naramdaman ko dati. Pero alam mo, Neng, hindi ka dapat sumuko. Kahit maliit lang ang nababago, basta may nababago, tuloy lang.” Napatingin ulit si Neng sa kanya, bakas sa mga mata ang halo ng pagod at pangungulila. “Pero paan
Terakhir Diperbarui : 2025-08-09 Baca selengkapnya